Isa pang Pinoy nasawi sa Maui wildfires, ayon sa DFA

Umakyat na sa tatlo ang Pilipinong kumpirmadong nasawi dahil sa wildfires sa Maui, Hawaii.

Kinilala ng Philippine Consulate General in Honolulu ang isa pang Pinoy na pumanaw na si Salvador Coloma, 77 taong gulang.

Una nang iniulat na namatay dahil sa wildfires sina Alfredo Galinato at Rodolfo Racunan.

Nakipag-ugnayan na ang konsulado sa kamag-anak ni Coloma para ipaabot ang pakikiramay at ang alok na tulong at suporta sa mga ito.

Patuloy na biniberipika ng konsulado ang nasyonalidad ng iba pang napaulat na casualties.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *