Isa patay, lima sugatan sa wedding hall attack sa France
Isa ang patay at limang iba pa ang nasugatan sa northeastern France, nang magpaputok ang ilang maskarado at armadong mga lalaki sa isang kasalan.
Ayon sa ilang source, ang pag-atake na nangyari sa northeastern city ng Thionville ay may kaugnayan sa hidwaan sa pagitan ng drug traffickers.
Nangyari ang pamamaril sa isang reception hall na kinaroroonan ng humigit-kumulang isangdaang katao.
Dalawa ang malubhang nasaktan at isa sa mga ito ay kritikal ang kondisyon.
Tumakas naman ang mga salarin matapos ang pamamaril.
Sinabi ng isang police source, “It was during a wedding. At a quarter past one in the morning, a group of people went outside to smoke in front of the hall, and then three heavily armed men arrived and opened fire in their direction. The assailants arrived in a 4X4 vehicle, probably a BMW.”
Hindi agad malinaw kung saan nanggaling ang sasakyan. Ang Thionville ay malapit sa borders ng Luxembourg at Germany.
Naniniwala ang mga miyembro ng law enforcement na may kaugnayan ang nangyari sa drug trafficking.
Ayon pa sa source, “The wedding was not targeted as such, it was people who were at the wedding.”
Isang pintuang yari sa salamin ang napuno ng butas dahil sa tama ng bala.