Isa sa bawat pitong Pilipino, may Hepatitis B ayon sa mga eksperto
Tatlo ang pinaka-karaniwang uri ng Hepatitis virus ang maaaring dumapo sa tao.
Ito ang Hepatitis A, B, at C.
sa tatlong uri na nabanggit, pinakamaraming kaso ang Hepatitis B dito sa Pilipinas.
Ayon sa mga pag aaral ng mga eksperto, isa sa bawat pitong Filipino adult ay may Hepatitis B.
Sa panig ng mga sanggol, binigyang diin ni Dr. Janus Ong, isang Gastroenterologist/Transplant Hepatologist, importanteng mabakunahan ang lahat ng babies na kapapanganak lang sa loob ng 24 oras.
Ayon pa kay Dr. Ong, very effective ang bakuna upang maprotektahan laban sa Hepatitis B ang mga sanggol.
Maaari rin na maging chronic ang Hepatitis B na taglay ng pasyente kapag ito ay hindi naagapan at ito ay magiging panganib sa kalusugan.
“Ibig pong sabihin ng chronic, pwede po silang tumagal sa ating katawan at ang kanilang bad effects po ay pwede silang mag cause ng cirhossis o paninigas ng atay, liver failure at saka live cancer”- Dr. Janus Ong, Liver Center, Medical City
Hanggang sa kasalukuyan ay wala pa umanong natutuklasang gamot laban sa Hepatitis B kaya mainam na nagpapabakuna laban sa Hepatitis B.
Ulat ni: Anabelle Surara