Isa sa close contact ng nagpositibo sa Delta variant sa Maynila, nagpositibo sa Covid-19
Isa sa nagkaroon ng close contact sa dalawang kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa Maynila ang nagpositibo sa virus.
Ito ang kinumpirma ni Manila Mayor Isko Moreno.
Pero ayon sa Alkalde, hindi na isinumite para sa sequencing ng Philippine Genome Center ang sample ng nasabing pasyente dahil sa “high CT value.”
Ang mga inisyal naman na nacontact tracing mula sa close contact ng mga nasabing Delta case ay nagnegatibo naman aniya sa COVID-19.
Tiniyak naman ni Mayor Isko ang mahigpit na monitoring ng lokal na pamahalaan kaya walang dapat ikabahala ang publiko.
May mga ginagawa na rin aniya silang hakbang gaya ng pinaigting na testing, contact tracing at isolation at maging ang vaccination program bilang pangontra sa mga variant na ito at maging sa Covid-19 mismo.
Madz Moratillo