Isa sa tatlong basins ng Maynilad Water Treatment plant fully operational na.
Fully operational na ang isa sa tatlong basins ng treatment plant ng Maynilad matapos na mapuno ito ng putik na dala ng bahang dulot ng Bagyong Ulysses.
Sa kasalukuyan pinupuno na rin ng tubig ang ikalawang basin na natanggalan na ng putik.
Samantala, posibleng matagalan pa ang pagtatanggal ng putik sa ikatlong basin ng kanilang water treatment plant.
Maaring abutin pa aniya ito ng limang (5) araw para matapos.
Dahil dito’y pinalawig pa nila ang rotational water service interruption para matiyak na maseserbisyuhan na ng Maynilad ang kanilang mga customer.
Patuloy din aniyang na mag-iikot ng ang kanilang mobile water tankers upang makapag-deliver ng tubig.
Paalala naman ng Maynilad sa publiko posibleng magkaroon ng pansamantalang discoloration o paglabo ng tubig.
Humihingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng Maynilad sa publiko ukol sa mga nangyaring problema na idinulot ng nagdaang kalamidad.
Jet Hilario