Isang abugado sinuspinde ng SC dahil sa sexual harassment

Pinatawan ng Korte Suprema ng 2-taong suspension bilang abugadoa ng isang senior partner sa isang law firm dahil sa sexual harassment sa ka-trabaho nito na nakababatang abogada.

Gayunman, hindi isinapubliko ng Supreme Court (SC) ang pangalan ng sinuspindeng abugado.

Ang reklamo laban dito ay inihain ng junior associate na abogada.

Inireklamo ang respondent dahil sa sinasabing sexually-laced acts nito sa complainant.

Ito ay tulad ng dirty jokes, innuendos, hindi akmang personal intimate questions, pagbahagi ng kaniyang extra marital sexual acts/conquests, at sexual advances sa junior associate.

Ayon sa SC, ang mga aktong respondent ay nagpatuloy sa loob ng dalawang taon at kinailangan na sumailalim ng psychotherapy treatment ng complainant.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *