Isang barko , nasunog sa bahagi ng Manila bay sa Navotas

Sa gitna ng malakas na ulan dulot ng bagyong Enteng, nasunog ang isang training ship habang nasa bahagi ng Manila Bay sa Navotas.

Ayon sa Philippine Coast Guard, may sakay na 18 crew ang MV Kamilla ng mangyari ang insidente.

Lahat naman sila ay ligtas at agad na-rescue matapos tumalon sa dagat.

Pero ang isang crew ay dinala sa ospital para sa medical treatment.

Sa panayam ng Coast Guard sa kapitan ng MV Kamilla, bago ang sunog ay nabangga sila ng isa pang barko habang naka nasa Navotas Anchorage Area.

Matapos ang insidente, napadpad umano ng malalaking alon ang MV Kamilla sa bahagi ng brgy Sipad-Almacen.

8:30am ng magsimula umano ang sunog sa harapan ng barko na nagtamo ng pinsala matapos mabangga.

Dahil sa lakas ng alon, pahirapan naman ang pag-apula sa sunog.

Madelyn Villar -Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *