Isang grupo na karamihan ay Asian migrants na idineport mula sa US dumating na sa Costa Rica

Law enforcement officers keep watch as migrants arrive in Costa Rica on a deportation flight from the U.S. before being sent to their home countries, at Juan Santamaria International Airport, in Alajuela, Costa Rica February 20, 2025. REUTERS/Mayela Lopez
Dumating na at tinanggap gobyerno ng Costa Rica ang unang grupo ng migrants na karamihan ay Asian, na dineport mula sa Estados Unidos. Bahagi ito ng kasunduan sa US na pansamantalang kanlungin ang hanggang 200 deportees mula sa ibang bansa.
Ang mga deportasyon ay bahagi ng crackdown ni U.S. President Donald Trump sa labag sa batas na migration na kinabibilangan ng tumataas na bilang ng flights sa mga bansang nakikipagtulungan sa kaniya sa multinational repatriations.
Ang grupo ng mga pinatalsik na migrante ay bumiyahe mula sa lungsod ng San Diego patungo sa kabisera ng Costa Rica na San Jose, kung saan sila ipinadala sa pamamagitan ng bus patungo sa isang migrant shelter malapit sa hangganan ng Panama.
Sinabi ni Deputy Security Minister Omer Badilla, “The migrants will be allowed to stay in Costa Rica for one month, during which time officials will coordinate their voluntary return to their home countries.”
Aniya, “Most of them want to return to their countries, but those who declined would have their cases addressed on an individual basis.”

A child and other migrants board a bus after arriving in Costa Rica on a deportation flight from the U.S. before being sent to their home countries, at Juan Santamaría Airport, in Alajuela, Costa Rica February 20, 2025. REUTERS/Mayela Lopez
Ang grupo na pami-pamilya ay mula sa Uzbekistan, China, Armenia, Turkey, Afghanistan, Russia, Georgia, Vietnam, Azerbaijan, Iran, Jordan, Kazakhstan at Ghana.
Inanunsiyo ni Costa Rican President Rodrigo Chavez, na aabot ng hanggang 200 migrants mula sa ibang bansa na idineport ng U.S., ang inaasahang ipadadala sa Costa Rica bilang bahagi ng pinakabagong kasunduan, banggit ang banta ng U.S. tariffs sa mga produkto ng Costa Rica.
Ipinag-utos din ng U.S. authorities na ipadala ang 177 Venezuelan migrants sa Honduras mula sa Guantanamo Bay. Kalaunan ay ililipad sila pabalik sa Venezuela.
Samantala, inihayag ng gobyerno ng Panama, na tatlo sa migrants na dumating sa kanila mula sa U.S. galing sa ibang bansa ay humiling ng asylum, at maaaring sa huli ay tanggapin ng ibang mga bansa gaya ng Canada.