Isang health magazine, nagkaloob ng health exemplar awards sa mga tagapagtaguyod ng kalusugan

Sa ikatlong taon ng health exemplars, kinilala ang mga lalaki at babaeng katuwang ng pamahalaan sa pagtataguyod ng isang malusog na komunidad at ng bansa sa kabuuan.

Ito ay sa pangunguna ng isang health magazine na ang layunin ay maipalaganap ang mga impormasyong makatutulong para magkaroon ng kaalaman ang publiko kung paano mapananatiling malusog na katawan at makaiwas sa karamdaman.

Kabilang sa pinarangalan ay sina Dr. Juan dela Pena Sanchez Jr., ang lalaki sa likod ng tinaguriang the doctor on wheels o ang mobile surgical unit, Dr. Iris Thiele Isip-Tan, ang tinaguriang “endocrine witch”, ng Sigma Phi Sorority, ang tinawag na “the sisterhood in service” Dr. Edgar Ulysses Nguyen Dorotheo, the tobacco buster, Dr. Richard Tesoro Mata, na kilala sa kanyang anti-dengue advocacy.

Pinagkalooban naman ng posthumous award si Dr. Dreyfuss Perlas, ang doctor-volunteer to the barrio na pinatay noong nakalipas na Marso.

Samantala, kabilang naman sa  nabigyan ng plaques of commendation ay sina Dr. Faith Guirnela –Go, na naniniwala na “giving back should start where one comes from” at ang Hepatology Society of the Philippines, na ang hangarin ay maging hepatitis – free nation ang bansa.

Binigyang diin ni Dr. Rafael Castillo, editor in chief ng nabanggit na health  magazine na karapat dapat lamang na bigyang pagkilala ang mga nabanggit dahil sa tunay silang naglaan ng oras upang ang kanilang expertise ay ibahagi sa mga kababayan natin tungo sa isa malusog na pamayanan na susi sa pagunlad ng bansa.

Ulat ni: Anabelle Surara   

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *