Isang hnihinalang Iraqi-Swedish terrorist at 3 iba pa, hinarang ng BI sa NAIA
Pinigilang makapasok sa bansa ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang hinihinalang Iraqi-Swedish terrorist at tatlong kasamahan nito.
Ayon sa BI, dumating sa NAIA Terminal 1 ang dayuhan noong Pebrero 5 sakay ng Jetstar flight mula sa Singapore.
Hindi naman pinangalanan ng BI ang Iraqi-Swedish dahil na rin sa kahilingan ng Intelligence community.
Sinabi ng BI na nasa Interpol database ng mga suspected International terrorist ang banyaga kaya ito hinarang.
Hindi rin pinapasok sa bansa ng mga BI officers ang tatlong iba pang Iraqi-Swedish nationals na kasama ng hinihinalang terorista.
Nabatid ng BI na ang suspected terrorist at tatlong kasama nito ay ipinanganak sa Kurdistan sa Iraq.
Agad naman na ibinook sa unang available flight pabalik ng kanilang port of origin ang mga dayuhan.
Ulat ni Moira Encina