Isang lalaki ikinulong ng Chinese Police, makaraan ang hit-and-run attack na nagresulta sa multiple casualties

Emergency personnel work near the site of a suspected hit-and-run attack, which left several wounded, outside a sports centre, in Zhuhai, China, November 11, 2024, in this still image taken from a social media video. Social Media/via REUTERS

Inaresto ng mga pulis sa southern Chinese city ng Zhuhai, ang isang 62-anyos na lalaki kaugnay ng hinihinalang hit-and-run attack sa isang sports center, na nagresulta sa multiple casualties.

Sa unang pagkakataon sa linggong ito, ang Zhuhai ang magiging host ng pinakamalaking taunang air show sa China, kung saan sa unang pagkakataon din ay idi-display ang isang bagong stealth jet fighter.

Sa isang video na naberipika ng Reuters kasunod nang nangyaring pag-atake nitong Lunes, makikita na hindi bababa sa 20 katao ang nakahandusay sa kalsada. Maririnig din ang mga sigaw na nagsasabing “terorista!” habang parating ang mga ambulansiyang maghahatid sa mga nasaktan sa ospital.

Wounded people lie on the ground after a suspected hit-and-run attack outside a sports centre, in Zhuhai, China, November 11, 2024, in this still image taken from a social media video. Social Media/via REUTERS

Sa ulat ng pulisya, isang lalaki na nagngangalang Fan ang kanilang ikinustodiya dahil sa umano’y pagmamaneho ng isang maliit na sasakyan na sumagasa sa mga pedestrian sa labas ng sports centre.

Hindi naman tinukoy ng pulisya ang motibo nito.

Bihira ang violent crime sa China dahil sa mahigpit na seguridad at mahigpit na gun laws.

Gayunman, ang pagtaas ng mga ulat ng knife attack sa malalaking lungsod ay naging kapansin-pansin na sa publiko at nagdulot ng alalahanin tungkol sa kaligtasan sa public spaces.

Noong Oktubre, lima katao ang nasugatan sa labas ng isa sa nangungunang primary school sa Beijing dahil sa knife attack, isang buwan bago ito ay isang Japanese student naman ang nagtamo ng malubhang saksak sa labas ng kaniyang pinapasukang eskuwelahan sa Shenzhen.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *