Isang libong budget ng ERC para sa susunod na taon ipinarerekonsidera ng Senado
Umaapela si Senador Sherwin Gatchalian sa Kamara na irekonsidera ang desisyon na bigyan ng isang libong pisong budget ang Energy Regulatory Commission dahil sa katiwalian.
Ayon kay Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Energy, sa halip na parusahan ang ERC, dapat maglatag ang Kongreso ng longterm solution at mga reporma sa ahensya.
Kabilang na rito ang pagsasabatas ng ERC governance Act na maglalatag ng accountability at transparency sa ERC.
Babala ni Gatchalian, publiko at hindi naman ang ERC ang maapektuhan ng mababang budget.
Namimiligro rin aniya ang mas matinding problema sa sektor ng enerhiya.
Ulat ni: Mean Corvera