Isang opisyal ng gobyerno kumikilos na para siraan ang mga posibleng makakalaban ng administrasyon sa eleksyon sa Mayo
Ibinunyag ni Senador Ping Lacson na kumikilos na umano ngayon ang administrasyon para maglagay ng mga troll upang sirain ang sinumang kritiko ng pamahalaan at posibleng makakalaban sa eleksyon sa Mayo sa susunod na taon.
Ayon kay Lacson, isang Undersecretary ang nagtatrabaho ngayon para magtayo ng mga trolls sa bawat lalawigan.
Hindi pinangangalanan ng Senador ang naturang Undersecretary.
Pero kasama aniya inalok nito ang kaniyang dating staff.
Bahagi aniya ng magiging trabaho nito ang siraan ang sinumang magiging kalaban ng kandidato ng Administrasyon sa pamamagitan ng mga social media platforms pero tinanggihan nito ang alok.
Dismayado ang Senador dahil tila ito na ang naging kalakaran tuwing eleksyon at hindi na nakikita ang tunay na kakakayahan at kung karapat dapat nga ba ang isang kandidato na maupo sa pwesto.
Meanne Corvera