Isang Pinoy crew ng MSC Aries pinalaya na ng Iranian authorities
Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na nakalaya na ang isang Pilipinong crew ng MSC Aries.
Ang nasabing Portuguese cargo ship.ay kinubkob ng naval authorities ng Iran noong April 13 habang dumaraan sa Strait of Hormuz.
Patuloy naman na nakikipag-ugnayan ang DMW, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Foreign Affairs (DFA) sa ship agent at licensed manning agency para mapalaya ang tatlo pang Pinoy seafarer na naiwan sa MSC Aries.
Umaasa ang gobyerno na mapalalaya ang tatlo pang Pinoy sa lalong madaling panahon.
Moira Encina
Please follow and like us: