Isang Pinoy nasawi sa Maui wildfires- DFA
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkamatay ng isang Pilipino sa Hawaii dahil sa Maui wildfires.
Kinilala ng DFA ang biktima na si Alfredo Galinato, 79 taong gulang.
Sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo De Vega na ang biktima ay isang naturalized US citizen na tubong Ilocos.
“The DFA confirms the death of a Filipino national in the Hawaii wildfires. He was a naturalized US citizen originally from Ilocos. The Philippine Consulate in Honolulu is assisting the family who are all based in Hawaii.” pahayag ni DFA Usec. Eduardo de Vega
Tinutulungan na aniya ng Konsulado ng Pilipinas ang pamilya ng biktima na nakabase lahat sa Hawaii.
Hindi bababa sa 100 ang nasawi sa wildfires na nagsimula noong Agosto 8.
Moira Encina