Isang poultry farm sa San Luis, Pampanga, pinagmulan ng bird flu outbreak

Isang poultry farm lamang sa San Luis, Pampanga ang pinagmulan ng pagkalat ng bird flu virus.

Ayon kay Governor Lilia Pineda, hindi agad ipinaalam ng isang poultry owner sa mga otoridad na sunud-sunod nang nagkakasakit at namamatay ang kaniyang mga manok noon pang Abril kaya hindi rin nito alam na bird flu na pala ang naging sakit ng kaniyang mga alaga.

Bukod dito, sinabi ng Gobernadora na sinusunog at inililibing lamang ng poultry owner ang mga namamatay niyang manok sa mababaw na hukay sa loob ng kaniyang farm kaya ito rin ang naging dahilan ng pagkalat pa ng mikrobyo sa iba pa niyang mga alagang manok.

Umabot pa sa halos 38 libong mga manok ang namatay sa poultry na pinagmulan ng bird flu at saka pa lamang nakapagdesisyon ang may-ari ng farm na ipagbigay alam na ito sa mga otoridad upang humingi ng tulong.

 

Bagamat iisang farm lamang ang apektado ng bird flu virus, sinabi naman ng Department of Agriculture na kailangang patayin rin ang lahat ng mga manok, itik at pugo sa anim pang mga kalapit na poultry farms sa isang barangay sa San Luis na nasa loob ng 7- kilometer radius upang matiyak na hindi na kumalat pa ang virus.

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *