Isang rare species ng isda sa Britanya, nanganganib dahil sa natuklasang ilegal na droga sa ilog
Nanganganib ngayon ang isang hindi pangkaraniwang uri ng isda at iba pang wildlife, dahil sa natuklasang mataas na lebel ng ilegal na droga sa ilog na nasa lugar kung saan ginaganap ang Glastonbury music festival ng Britain.
Ayon sa mga eksperto, ang lebel ng cocaine at MDMA o mas kilala sa tawag na ecstacy, na na-detect sa tubig ay lubhang mataas, kayat maaari itong makapinsala sa wildlife ng Whitelake River na dumadaloy sa kahabaan ng festival grounds.
Ang natuklasang MDMA concentrations sa samples na kinuha mula sa ilog noong 2019, isang linggo makaraang magtipon ang higit 200,000 katao para sa 5-araw na summer festival sa Somerset, southwest England, ay apat na ulit na mas mataas.
Ayon sa mga siyentista, ang nakasisirang mataas na lebel ng cocaine partikular na sa sa tubig, ay umakyat sa lebel na makapipinsala na sa life cycles ng hindi pangkaraniwan at protektadong European eel na matatagpuan sa lugar.
Kaugnay nito, hinimok ng mga eksperto ang mga dadalo sa susunod na festival, na gamitin ang Glastonbury official toilets, dahil pinaniniwalaan na ang droga ay humahalo sa tubig na nakapaligid sa lugar sanhi ng pag-ihi doon ng publiko.
Ayon kay Dan Aberg, isang postgraduate sa Bangor University sa north Wales na siyang nangolekta ng datos . . . “All music festivals were undoubtedly an annual source of illicit drug release. Unfortunately, Glastonbury Festival’s close proximity to a river results in any drugs released by festival attendees having little time to degrade in the soil before entering the fragile freshwater ecosystem.”
Sinabi naman ni Christian Dunn na mula rin sa Bangor University . . . “The amount of illicit drugs being released into the water had the potential to derail conservation of the endangered eels.”
Kailangan din aniyang dagdagan pa ang awareness ng publiko tungkol sa drug at pharmaceutical waste.
Dagdag pa ni Dunn . . . “Those pollutants are hidden, worryingly understudied yet potentially devastating.”
Dahil sa Covid restrictions, napilitang kanselahin ang 50th anniversary celebrations noong 2020 at maging ngayong taon, kung saan 135,000 katao na ang nakabili ng tickets.
Ayon sa organisers ng Glastonbury, umaasa sila na maipagpapatuloy na ang event sa June, 2022.