Isang sinasabing notoryus na miyembro ng CPP-NPA hinatulan ng guilty sa kasong rebelyon ng korte sa Taguig City
Napatunayang guilty beyond reasonable doubt ng korte sa Taguig City sa kasong rebelyon ang sinasabing notoryus na miyembro ng CPP- NPA, na nanguna sa serye ng mga pag-atake sa mga sundalo, cell sites at mga pasilidad ng pamahalaan sa Quezon Province noong Nobyembre 2005.
Sa 56 na pahinang ruling ni Taguig City Regional Trial Court Branch 266 Presiding Judge Marivic Vitor, pinatawan si Maria Salome Crisostomo na kilala rin bilang si Maria Salome Crisostomo Ujano ng parusang pagkakulong na 10 taon hanggang 17 taon at apat na buwan.
Sa paglilitis ng kaso, tinukoy ng mga testigo ng prosekusyon si Ujano bilang isa sa mga NPA member na kanilang naka-engkuwentro.
Pinabulaanan naman ni Ujano na kasapi siya ng CPP- NPA at nasa Quezon Province siya mula November 19-25, 2005.
Mas binigyang bigat ng hukom ang positibong pagtukoy ng mga testigo kay Ujano, at hindi kumbinsido sa alibi at pagtanggi ng akusado.
Ayon pa sa ruling, napatunayan din ng prosekusyon na nagkaroon ng paghihimagsik laban sa pamahalaan ang mga miyembro ng CPP NPA.
Moira Encina