Isinusulong ni Senador Imee Marcos ang panukalang batas na lilikha ng hiwalay na pension system para sa AFP

Sa ilalim ng Senate Bill no. 2434 o ang “Armed Forces of the Philippines Pension System Act” oobligahin na ang mga “new entrants” o bagong pasok na sundalo o personnel ng AFP na magbigay ng 9 percent ng kontribusyon sa kanilang pensyon mula sa kanilang buwanang sahod.

Dadagdagan ito ng 12 percent na share ng pamahalaan.

Maaari ring pagkunan ng pondo para sa AFP Trust Fund ang residual assets ng Retirement Separation Benefits System o pinagbentahan o renta ng military reservations, pinagbentahan ng kampo ng militar salig sa RA 7227 at proceeds mula sa private-public partnerships na pinasok ng DND.

Aabot naman sa 50 percent ng base pay at longevity pay ang maaaring matanggap na Retirement Pay ng isang mas mataas na ranggo kapag sya ay nagretiro.

Samantala, ang buwanang pensyon naman ng retirado at naiwang asawa at mga anak ay otomatikong naka-index o katumbas ng 100 percent ng sweldo ng karanggo ng isang nagretiro.

Bubuo rin ng Trust Fund Committee na mangangasiwa sa pondo at ito ay pangangasiwaan ng Secretary ng Finance Department bilang Chairman, katuwang ang AFP Chief of Staff, Secretary ng National Defense, Administrator ng Philippine Veterans Affairs Office, President at General Manager ng GSIS at apat na economic managers.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *