Isnilon Hapilon at Omar Maute, napatay sa bakbakan sa Marawi City
Kinumpirma na ni Defenese Secretary Delfin Lorenzana na patay na si Abu Sayaff leader Isnilon Hapilon at isa sa Maute brothers na si Omar Maute sa nangyayaring sagupaan sa Marawi Cty.
Sina Isnilon at Maute ay kapwa kinikilalang lider ng Maute ISIS group sa Timog Silangang Asya.
Gayunman, sinabi ni Lorenzana na hindi pa rin tumitigil ang opensibang ginagawa ngayon ng militar sa Marawi City.
Ayon kay Secretary Lorenzana, posibleng sa mga susunod na araw ay maideklara na nilang tapos na ang labanan sa Marawi City.
Samantala, sinabi ni General Restituto Padilla na mayroong meron pa ring tinatarget na isa hanggang dalawang personalidad kasama ang isang Malaysian national na doctor na nagpi finance sa mga teroristang grupo sa Marawi City .
Binigyang diin ni Padilla na tuloy pa rin ang labanan sa Marawi City dahil mayroon pang mga hostages ang nananatili sa kamay ng mga terorista at may mga hinahanap pa silang dayuhang kasabwat ng Maute.
Matatandaan na noong mayo 23 ay idineklara ni Pangulong Duterte ang martial law sa Mindanao.
Kasunod ito ng bakbakan ng puwersa ng gobyerno at Maute group sa Marawi City.