Israel at US hindi magkasundo sa posibleng pagkakaroon ng Palestinian state

AFP

Muling binigyang-diin ng Washington na naniniwala ito na ang pagbuo ng isang Palestinian state ang tanging paraan upang magarantiyahan ang pangmatagalang seguridad sa Israel.

Ginawa ang pahayag sa gitna ng bumabangong mga katanungan tungkol sa magiging kapalaran ng Gaza Strip, kapag natapos na ang giyera ng Israel at Hamas.

Nitong Huwebes, ay sinabi ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, “My country must have security control over all the territory west of the Jordan (River). This is a necessary condition, and it conflicts with the idea of (Palestinian) sovereignty.”

Nang tanungin tungkol sa komento ni Netanyahu, sinabi ni US National Security Council spokesman John Kirby, “Washington and Israel obviously see it differently.”

Isang araw bago ang World Economic Forum sa Davos, Switzerland, ay muling nanawagan si US Secretary of State Antony Blinken para sa “daan sa isang Palestinian state.”

Aniya, “You’re not going to get the genuine security you need absent that.”

Subalit iginiit ni Netanyahu, “a prime minister in Israel should be able to say no, even to our best friends — to say no when necessary, and to say yes if possible.”

Sa kaniyang biyahe sa Middle East noong isang linggo, binigyang-diin ni Blinken sa Israeli authorities na ang Arab countries, kabilang ang Saudi Arabia, ay handang tumulong upang muling itayo ang Gaza at maging sa pamamahala sa Palestine sa hinaharap, ngunit sa kondisyon na bibigyang daan ng Israel ang Palestinian statehood.

Hinimok din ni Blinken ang kooperasyon sa pagitan ng magkabilang panig, sa pagsasabing ang epektibong Palestinian Authority ay gagana lamang sa “pamamagitan ng suporta, at tulong ng Israel, at hindi sa mahigpit na pagtutol dito.”

Ayon naman kay State Department spokesman Matt Miller, mahaharap ang Israel sa mahirap na mga katanungan sa mga darating na buwan.

Aniya, “There is a historic opportunity that Israel has to deal with, challenges that it has faced since its founding, and we hope the country will take that opportunity.”

Si Netanyahu at US President Joe Biden, na alam ng lahat na may kumplikadong relasyon, ay hindi lumahok sa direktang pagpapalitan ng komunikasyon sa loob ng ilang linggo.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *