Israel gugugol ng milyon sa Einstein museum
Nagpasya ang gobyerno ng Israel na maglaan ng milyun-milyong dolyar para sa isang museum, na paglalagyan ng pinakamalaking koleksiyon sa buong mundo ng mga dokumento ni Albert Einstein ayon sa Hebrew University.
Itatayo ito sa Givat Ram campus ng unibersidad sa Jerusalem, kung saan ang gobyerno ay naglaan ng tinatayang anim na milyong dolyar habang ang unibersidad naman ay kakalap ng dagdag pang 12 milyong dolyar.
Si Einstein, isa sa founding fathers ng Hebrew University, ay isang non-resident governor ng institusyon.
Pinarangalan bilang isa sa pinakadakilang “theoretical physicists of all time,” si Einstein ay namatay noong 1955 sa edad na 76.
Ipinamana niya ang kanyang mga archive sa unibersidad, at sinabi ng tagapangasiwa na si Roni Grosz na dahil sa 85,000 items ay ito na ang pinakamalawak na koleksyon ng mga dokumento ni Einstein sa buong mundo.
Ang museum ang magiging tahanan ng buong archive ni Einstein, at magsisilbing isang “innovative space for scientific and technological education,” ayon sa unibersidad.
Nakasaad pa sa isang pahayag ng unibersidad, “With cutting-edge exhibition techniques, scientific demonstrations, and original documents, the Museum will present Einstein’s contributions to science, the impact of his discoveries on our lives today, his public activity and involvement in key historical moments during his lifetime.”
Binago ng mga teorya ng relativity ni Einstein ang larangan sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mga bagong paraan ng pagtingin sa paggalaw ng mga bagay sa espasyo at oras.
Gumawa rin siya ng malalaking kontribusyon sa teorya ng quantum mechanics, at nanalo ng Nobel physics prize noong 1921.
Naging icon din ng pop culture si Einstein dahil sa kanyang mga dry witticism at trademark ng magulong buhok, bigote at makapal na kilay.
Ang mga orihinal na sulat ni Einstein ay naibebenta ng milyun-milyong halaga sa mga auction hanggang sa mga panahong ito.
© Agence France-Presse