Israel ikinonsidera ang ganting atake sa Iran ngunit hindi itinuloy
Ikinonsidera ng Israel na atakihin ang Iran bilang ganti sa ginawa nitong pag-atake noong isang linggo, ngunit hindi na ito itinuloy ayon sa ulat ng Israeli at US media.
Ang Iran ay naglunsad ng mahigit sa 300 drones at missiles attack laban sa Israel nitong nagdaang linggo, sa isang pag-atakeng nagresulta lamang ng maliit na pinsala makaraang maharang ang karamihan sa kanilang projectiles.
Nangako si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na gaganti, na nagbunsod upang manawagan ang lider ng mga bansa, kabilang ang ka-alyado nito na Estados Unidos, na huwag itong ituloy upang maiwasan ang paglala ng sitwasyon o ang pagkakaroon ng regional spillover.
Iniulat ng Israeli public broadcaster na Kan, na kasunod nang pakikipag-usap kay US President Joe Biden, nagpasya si Netanyahu na huwag nang ituloy ang ‘pre-arranged plans’ para sa retaliatory strikes sa Iran.
Sinabi ng isang senior Israeli official na ayaw magpakilala, “Diplomatic sensitivities came into play. There would be a response, but that it would be different from what was initially planned.”
Banggit ang tatlong hindi pinangalanang sources ay iniulat naman ng ABC News: “Israel prepared for and then aborted retaliatory strikes against Iran on at least two nights this past week.”
Ayon sa sources, “Among the range of possible reactions considered by the Israeli war cabinet were options to attack Iranian proxies elsewhere in the region or to conduct a cyberattack.”
Sinabi naman sa US news outlet na Axios ng dalawang hindi pinangalanang Israeli officials, “At a cabinet meeting on Monday, Israeli officials considered giving the Israel Defense Forces (IDF) permission for a strike against Iran, but ‘for operational reasons’ decided not to go ahead with it.”
Ang mga armadong grupo na suportado ng Iran sa buong rehiyon ay nagsagawa rin ng mga pag-atake mula nang sumiklab ang digmaang Israel-Hamas noong Oktubre.
Ang pagsalakay ng Tehran nitong weekend, ang una nitong direktang pag-atake sa lupain ng Israel, ay naging tugon sa isang ‘deadly strike’ sa consular annex ng Iran sa Damascus noong Abril 1 na malawakang isinisisi sa Israel.
Nangako ang Washington at Brussels na palalakasin ang sanctions sa Iran, habang ang pangulo ng Iran ay nagbabala naman ng “isang mabangis at matinding tugon” sa anumang paghihiganti.
Bilang sagot sa diplomatic pressure, kabilang na ang mula sa pangunahin nitong military backer na Washington, iginiit ni Netanyahu noong Miyerkules na ang Israel ay gagawa ng sarili nitong mga desisyon, at “gagawin ang kailangan nito upang ipagtanggol ang sarili.”