Israel nag-ulat na rin ng kaso ng monkeypox
Kinumpirma ng Israel ang una nilang kaso ng monkeypox, kung saan kasama na sila ngayon sa ilang bansa sa Europe at North America na naka-detect ng sakit na endemic sa bahagi ng Africa.
Ayon sa tagapagsalita para sa Ichilov hospital sa Tel Aviv’, ang 30-anyos na pasyente na kamakailan ay bumalik mula sa western Europe na may mga sintomas ng monkeypox, ay nagpositibo sa virus.
Noong Biyernes, sinabi ng health ministry na ang lalaki ay na-expose sa monkeypox abroad, banggit ang isang clinical sample na kinuha para suriin habang ang pasyente ay naka-isolate sa Ichilov na may mild condition.
Ang virus ay maaaring mailipat sa pamamagitan ng contact sa skin lesions o droplets mula sa kontaminadong tao, maging sa pamamagitan ng shared items gaya ng bedding o towels.