Israel nakatakdang ipagbawal ang biyahe sa US
Inirekomenda ng health ministry ng Israel nitong Linggo, na pagbawalan ang kanilang mga mamamayan na buniyahe patungong Estados Unidos, at idinagdag din sa kanilang “red list” ang ilang European countires sa layuning mapigilan ang pagkalat ng Omicron variant.
Sinabi ni Israeli Prime Minister Naftali Bennett, na ang Israel ay nasa kalagitnaan na ng fifth wave ng Covid-19.
Aniya . . . “The Omicron variant is already here, and it’s spreading fast. So, I would continue to restrict travel in order to avoid further lockdowns, as the country gained ‘precious time’ by curbing travel immediately after the Omicron variant was detected in South Africa last month.”
Nitong Linggo ay una nang inaprubahan ng health ministry ang rekomendasyon na pagbawalan ang mga Israeli na bumiyahe patungong France, Ireland, Norway, Spain, Finland, Sweden at United Arab Emirates.
Ang Britain at Denmark nasa red list na, maging ang karamihan sa mga bansa sa Africa.
Bukod sa US, inirekomenda rin ng health ministry na maisama sa red list ang Canada, Belgium, Italy, Germany, Hungary, Morocco, Portugal, Switzerland at Turkey. Hinihintay na lamang na ito ay aprubahan ng gobyerno at mga mambabatas.
Ang mga mamamayan naman ng Israel na kasalukuyang nasa abroad sa sandaling ideklara na ang bansang kinaroroonan nila ay isasama na sa red list, ay kailangang mag-quarantine ng isang isang linggo pagbalik nila sa Israel.
Lahat naman ng non-resident foreigners mula sa lahat ng bansa ay bawal pumasok maliban kung mayroon silang special permission.
Nanawagan din si Bennett sa mga mamayan na mag-work from home muna at hinimok ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.
Aniya . . . “Our goal is to brave this wave without it affecting the economy and education as much as possible. The way to achieve that is by slowing down the infection rate, and vaccinating Israeli children in the meantime as quickly as possible.”
Ayon naman kay Ran Balicer, chairman ng national expert panel on Covid-19 ng Israel . . . “The more strict you are in preventing importation and delaying local transmission, the more lax you can be in disturbing the economy and everyday life. I think Israel would ease its restrictions once local transmission of Omicron began to rise, reducing the relative proportion of cases coming in from overseas, but it was not yet clear if the strain posed a risk of severe illness and death.”
Higit 4.1 milyon mula sa tinatayang 9.3 milyong populasyon ng Israel, ang nakatanggap na ng tatlong doses ng coronavirus vaccine, at sa kasalukuyan ay nagbabakuna naman sa mga batang edad 5-11. (AFP)