Israel tutulong sa pag-uwi sa bansa ng mga labi ng mga Pinoy na nasawi sa kaguluhan doon
Nagpulong sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss kaugnay sa bakbakan sa pagitan ng Israel at Hamas.
Isa sa mga tinalakay sa pag-uusap ng dalawa ay ang tulong na ipagkakaloob ng Israel sa pamilya ng tatlong Pilipino na nasawi dahil sa kaguluhan.
Ayon kay Ambassador Fluss, tutulong ang Israel sa pag-uwi sa Pilipinas ng mga labi ng mga pumanaw na Pinoy.
Magkakaloob din aniya ng assistance ang Israel sa mga naulilang pamilya ng OFWs.
Siniguro ng diplomat kay Secretary Manalo na ginagawa ng Israeli authorities ang lahat para matiyak ang kaligtasan ng mga Pinoy sa Israel.
Kabilang sa mga napag-usapan ay ang repatriation ng ilang Pinoys na nasa Israel.
Moira Encina