Isyu ng reclamation kabilang sa mga tatalakayin sa oral arguments ng SC sa Manila Bay pollution case
Nagpatawag ang Korte Suprema ng oral arguments sa petisyon na inihain ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at iba pang ahensya ng pamahalaan kaugnay sa Manila Bay pollution case.
Itinakda ng Supreme Court ang oral arguments sa Setyembre 30.
Kaugnay nito, inilatag ng SC ang mga isyu na pinapatalakay nito sa MMDA at iba pang concerned government agencies.
Isa sa mga ito ay ang on going reclamation activities sa Manila Bay.
Partikular na ang environmental impact assessments sa mga proyekto at ang mga epekto nito sa polusyon.
Bukod sa MMDA, ang ibang mga ahensya na pinapadalo sa oral arguments ay ang Department of Environment and Natural Resources, Department of Education, Department of Health, Department of Agriculture, Department of Public Works and Highways, Department of Budget and Management, Philippine Coast Guard, Philippine National Police Maritime Group, Department of Interior and Local Government, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, at Metropolitan Waterworks and Sewerage System.
Noong 2008 inatasan ng Korte Suprema ang mga nasabing tanggapan na linisin at irehabilitate ang Manila Bay at noong 2011 naman ay iniutos sa mga ito na magpatupad ng mga direktiba para maipatupad ang 2008 ruling.
Samantala, suspendido ang pasok sa lahat ng korte sa Metro Manila ngayong Biyernes bunsod pa rin ng masamang panahon dahil sa habagat.
Moira Encina