Isyu ng West Philippine sea dapat talakayin ni PBBM sa state visit sa China
Dapat isulong ni Pangulong Bongbong Marcos ang diplomatic pressure sa China sa nakatakda nitong state visit sa Enero.
Ayon kay Senador Francis Tolentino sa harap ito ng pagdami ng mga Chinese vessel sa west philippine sea.
Sinabi pa ni Tolentino, dapat personal na maipaalam ni PBBM kay Chinese President Xi Jinping ang aniya’y pambu bully ng mga Chinese coastguard.
Kasabay nito, hinimok ng Senador ang administrasyon na palakasin ang presensya ng Philippine Coastguard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa West Philippine Sea .
Bukod pa rito kailangan aniyang maglagay ng imprastraktura at livelihood program sa kalayaan island para maipakita sa China at ibang umaangkin na ang isla ay bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.
Maaari pa nga aniya itong gawing isang munisipalidad at magsilbing tuluyan ng mga mangingisda.
Meanne Corvera