Isyu sa close distance maneuvering ng Chinese ship sa barko ng PCG, Tatalakayin ni PRRD
Tatalakayin ni Pangulong Duterte sa mga miyembro ng kaniyang gabinete ang isyu ng panibagong pangigitgit ng barko ng China sa barko ng Pilipinas sa West philippine sea.
Sa harap ito ng panibagong insidente ng pangigitgit ng chinese coastguard sa barko ng philippine coastguard na nagpapatrolya sa lugar noong March 2.
Nauna nang sinabi ng coastguard na delikado ang ginawang close distance maneuvering ng barko ng China dahil maaring mauwi ito sa banggaan.
Pero sa isang statement sinabi ni Chinese foreign Ministry spokesman Wang Wenbin na pag-aari nila ang isla kaya may karapatan sila sa anumang aktibidad rito.
Ayon kay Go, isa ito sa maaring maging agenda ng Talk to the people ng pangulo.
Sinabi ng Senador na bahagi ng Foreign policy ng Pangulo na friendly sa lahat ng bansa at enemies to none pero hindi ito papayag na maapi ang Pilipinas.
Iginiit ng Senador na ang Pilipinas ang nagmamay-ari nang inaangking isla batay sa desisyon ng court of arbitration.
Kaya apila niya sa China idaan sa diplomatikong proseso ang usapin at hindi sa pamamamagitan ng dahas.
Meanne Corvera