Isyu sa illegal POGO operations partikular sa Porac, Pampanga at Bamban, Tarlac ipinagpapatuloy
Ipinagpapatuloy ngayon ng Senate Committee on Women, Children and Family Relations, ang pagdinig sa isyu ng illegal POGO operations partikular sa Porac, Pambanga at Bamban sa Tarlac.
Alas-8:15 kaninang umaga nang dumating si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Senado.
Tulad ng dati ay mahigpit ang ibinigay na seguridad sa kaniya ng mga tauhan ng PNP, nakasuot ito ng Kevlar helmet, bullet-proof vest at nakaposas nang dalhin sa Senado.
Bago naman mag-alas-7:00 kaninang umaga ay dumating din sa Senado si Cassandra Li Ong ng Lucky South 99.
Photo: BI
Ito ang unang pagkakataon na humarap si Ong sa Senado dahil siya ay na-ospital habang nakaditini sa kamara.
Present din si Sual, Pangasinan Mayor Liseldo Dong Calugat, na sinasabing kasosyo sa mga negosyo ni Alice Guo.
Meanne Corvera