Isyu sa mga pinag-aagawang teritoryo sa south china sea , tinalakay ni Pangulong Duterte sa UN general assembly virtual meeting
Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kapwa lider sa United Nations General Assembly virtual meeting na resolbahin ang gusot sa South China Sea sa mapayapang paraan.
Sa talumpati ng Pangulo sa 76th United Nations General Assembly sinabi niya na kaisa ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN at iba pang stakeholders sa pagsusulong ng kapayapaan sa isyu ng mga pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea.
Ayon sa Pangulo ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS at ang 2016 arbitral ruling ng Arbitral Tribunal sa usapin sa mga pinag-aagawang isla sa South China Sea ay nagbibigay ng maayos, patas at win-win solution para sa lahat.
Hiniling pa ng Pangulo sa UN na gumawa ng reformation para maayos na matugunan ang isyu sa South China sea.
Sa ngayon patuloy ang girian at agawan ng teritoryo sa pagitan ng Pilipinas at China sa South China Sea na kung hindi mareresolba ay magiging mitsa ng malaking gulo sa rehiyon.
Vic Somintac