Italyano, tinangkang mandaya para makakuha ng COVID-19 vaccination certificate
Isang Italyano na nais magkaroon ng coronavirus vaccine certificate nang hindi aktuwal na mababakunahan, sa pamamagitan ng pagpapakita ng pekeng braso sa health workers.
Sa kabila ng kulay ng pekeng braso na animo’y tunay, hindi nakumbinse ng 50-anyos na lalaki ang health workers na agad siyang inireport sa local police sa Biella, northwest Italy.
Ayon kay Albert Ciro, pinuno ng Piedmont regional government . . . “The case borders on the ridiculous, if it were not for the fact we are talking about a gesture of enormous gravity. Such an act was ‘unacceptable’ faced with the sacrifice that our entire community has paid during the pandemic, in terms of human lives, the social and economic cost.”
Ang insidente ng pekeng braso ay nangyari bago ang paghihigpit ng restriksiyon sa Italy, para sa mga taong hindi nababakunahan laban sa COVID-19.
Simula noong Agosto, kailangan ang “Green Pass” na nagpapakita ng proof of vaccination, recent recovery mula sa coronavirus o isang negative test para makapasok sa indoor dining in restaurants, makabisita sa mga museo, makapanood sa mga sinehan, teatro at makadalo sa sporting events.
Ngunit simula sa Lunes, Disyembre 6, ang mga nabanggit na aktibidad ay para na lang sa mga may “Super Green Pass”, na available lamang sa mga bagong nabakunahan ng COVID-19.
Ang lumang Green Pass ay extended hanggang October ng susunod na taon para sa lahat ng workplaces, at mananatiling valid para lamang dito, ibig sabihin ang mga hindi pa bakunado ay maaari pa ring mag-report sa trabaho sa pamamagitan ng pagpapakita ng pinakabagong negative test.
Ang mga bagong paghihigpit—na naging sanhi ng maliliit na protesta sa mga sentro ng lungsod sa buong Italy na karamihan ay isinagawa kapag weekends, ay ipinatupad kasunod ng pagdami ng mga kaso ng COVID-19, na pinalala pa nitong mga nakaraang araw ng mga pangamba sa bagong variant na Omicron.
Ang Italya ang pinakaunang bansa sa Europa na tinamaan ng pandemya sa unang bahagi ng 2020, at nitong Huwebes ay 16,800 mga bagong kaso ang naitala sa nakalipas na 24-oras kung saan 72 ang namatay.
Halos 85% ng eligible population (edad lampas doce anyos) ang ganap nang bakunado, at ngayong linggo ang option para sa booster dose ay in-extend na para sa lahat ng adults. (AFP)