LPA sa labas ng PAR, isa nang Tropical Depression…Bagyong Maring, lalu pang lumakas
Maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ang umiiral ngayong araw sa Bicol Region, Central at Eastern Visayas at CARAGA dahil sa Inter-Tropical Convergence Zone at trough ng Tropical Depression Maring.
Sa 11:00 am weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 495 km/h Silangan ng Catarman, Northern Samar, o 400 km East ng Borongan, Eastern Samar, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 55 km/h at pagbugso ng hanggang 70 km/h.
Nananatiling pabagu-bago ang kilos nito pa-Southwest sa bilis na 15 km/h.
Samantala, ang isa pang Low Pressure Area na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility ay nadevelop na bilang isang bagyo at huling namataan sa 1,805 km Silangan ng Central Luzon.
Pag pumasok ng PAR ang Tropical Depression ay tatawagin itong Nardo.
Samantala, sa nalalabing bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao ay magiging bahagyang maulap ang papawirin pero may mga tsansa ng pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa dakong hapon o gabi.
Pinag-iingat din ng weather bureau sa paglalayag ang mga mangingisda at mga may maliliit na sasakyang pandagat partikular sa mga baybayin ng Luzon, Silangan at Kanlurang bahagi ng Visasyas at Mindanao dahil sa magiging katamtaman hanggang sa maalon ang mga karagatan.
Inaasahang papalo ng hanggang 31 degrees ang temperatura sa Metro Manila ngayong araw.