ITCZ , nagdudulot ng pag-ulan sa Mindanao – PAGASA
Nagdudulot ng pag-ulan sa bahagi ng Southern Mindanao ang Inter tropical Convergence Zone (ITCZ)
Ito ang ginawang paglilinaw ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) hinggil sa nararanasang pag-ulan sa naturang rehiyon..
Inihayag pa ng PAGASA , makakaranas ng isolated rainshowers at thunderstorms ang Cagayan Valley at Aurora dahil sa Shear line.
Magkakaroon naman ng isolated rainshowers ang Metro manila, Central Luzon, Cordillera Administrative region at Ilocos Region dahil sa Amihan.
Habang ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas ng isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa Localized Thunderstorms.
Sumikat ang araw alas-6:16 at lulubog alas-5:32 ng dapithapon.