Ivory Coast dinaig ng Gilas sa isang tune-up game
Nakakuha ng malaking morale booster ang Gilas Pilipinas bago ang FIBA World Cup, matapos nilang daigin ang Ivory Coast sa score na 85-62, sa closed-door tune-up match sa PhilSports Arena sa Pasig nitong Biyernes ng gabi.
Sa kanyang unang laro sa pagbabalik sa Gilas, ay maagang nagpasabog si Jordan Clarkson.
Maagang naging mainit si Clarkson na siyang naka-iskor sa halos kalahati ng first-quarter points ng Gilas – o 13 points – habang nakikipaghabulan sa 27-24 lead laban sa Ivory Coast.
Naglaro si Clarkson sa kabuuan ng first half, ngunit naglaro lamang sa unang apat na minuto ng ikatlong quarter, nagtala rin ng anim na rebounds, isang assist, at isang steal, bagama’t mayroon din siyang apat na turnovers.
Nagtala rin si June Mar Fajardo ng 13 puntos sa 4-for-5 field goals at 5-for-6 free throws kasama ang dalawang rebounds.
Sa kanyang unang laro mula nang bumalik matapos magtamo ng pinsala sa kamay, si Scottie Thompson ay gumawa ng 11 puntos, apat na rebound, limang assist, at isang block.
Umiskor naman si Kai Sotto ng 10 puntos, 5-for-6 mula sa field, apat na rebounds, dalawang assists, at isang block sa kanyang unang tune-up game para sa Gilas.
Pinakilos ng Gilas ang 13 miyembro ng kasalukuyang 16-man pool nito para sa friendly match, na nagbigay ng ‘breather’ kina Thirdy Ravena, Ray-Ray Parks at Calvin Oftana.
Gayunman, sinabi ni Coach Chot Reyes, na lahat ng 16 na manlalaro ay bibigyan ng oras ng paglalaro sa kanilang three-game tune-up series, na magtatapos sa isang Sunday game laban sa Montenegro, at isang sagupaan sa Lunes laban sa Mexico.
With report from PNA