Ivory Coast, nagsimula nang magbigay ng bakuna laban sa Ebola
ABIDJAN, Ivory Coast (AFP) – Sinimulan na ng Ivory Coast ang kanilang Ebola vaccine roll-out, matapos makapagtala ng unang kaso mula noong 1994.
Ayon kay Health Ministry spokesman Germain Mahan Sehi . . . “Health workers, close relatives and contacts of the victim were the first to be vaccinated, getting jabs from 5,000 doses sent from Guinea.”
Ayon sa mga awtoridad, ang nag-iisang kaso ng Ebola sa bansa na natukoy nitong nakalipas na weekend sa Abidjan, ang economic hub ng Ivory Coast, ay mula sa isang 18 anyos na Guinean woman na dumating sa bansa noong Miyerkoles, sa pamamagitan ng road travel galing sa Labe sa Guinea.
Ayon sa World Health Organization, sa genetic sequencing ng sample isang virus malalaman kung ang kaso ay may kaugnayan sa kamakailan ay muling paglitaw ng sakit sa Guinea.
Ang pagkakadiskubre ng virus sa Ivory Coast, ay nangyari halos dalawang buwan na ang nakalipas matapos ideklaran ng UN health agency na tapos na ang 2nd outbreak ng Ebola sa Guinea, na nagsimula noong 2020 at ikinasawi ng 12 katao.
Limang WHO experts ang ipinadala mula sa Guinea, para tumulong sa training ng ilang dosenang Ivorian health workers sa pagbibigay ng bakuna.
Agence France-Presse