J-Hope ng BTS, gumawa ng kasaysayan sa Lollapalooza festival stage
Gumawa ng kasaysayan ang K-pop superstar na si J-Hope ng BTS nang siya ang magsara sa taunang Lollapalooza weekend ng Chicago, at maging unang South Korean act na nanguna sa isang major US music festival.
Si J-Hope ay sinalubong ng sigawan ng fans nang umakyat siya sa entablado ng Grant Park sa Chicago. Sinabayan siya ng mga manonood na nag-rap at nakikanta rin habang inaawit niya ang mga kanta na nakapaloob sa kaniyang solo album at maging ang mga kalikong awitin ng BTS gaya ng “Dynamite.”
Nagbigay din siya ng isang espesyal na mensahe sa kaniyang Korean viewers ay sinamahan kalaunan sa entablado ng singer na si Becky G para awitin ang kanilang kolaborasyon na “Chicken Noodle Soup.”
Ang edisyon ngayong taon ng Lollapalooza, na nag-stream ng live sa Hulu platform, ay kinatampukan din ng US festival debut ng Tomorrow X Together, isa pang South Korean boy band na nasa ilalim ng kaparehong label ng BTS.
Ayon kay Lollapalooza founder Perry Farrell . . . “These artists have been given great gifts in communication. Their global audience speak different languages but possess an intense passion for their music. Lolla is the place where all music genres live in harmony.”
Matatandaan na ang septet ay nagpost ng emosyunal na video sa kanilang official YouTube channel na nagsasabing “pagod” na sila at kailangan nilang maghiwa-hiwalay muna.
Nang mga panahong iyon ay sinabi ni J-hope na ang hakbang ay makatutulong sa BTS para maging mas matatag bilang grupo.
Ang debut solo mixtape ng 28-anyos na performer na may pamagat na “Hope World,” ay nag-number 38 sa Billboard top albums chart noong 2018.
Ang BTS ang kauna-unahang all-South Korean act na namayani sa US top singles chart ng Billboard, isang “milestone” sa kanilang career na dala ng kanilang “Dynamite,” ang unang smash hit ng grupo na inawit sa wikang Ingles sa kabuuan nito.
Sila rin ang unang grupo na nakapag-release ng apat na album na nag-number one sa Estados Unidos nang wala pang dalawang taon, gaya ng nagawa ng The Beatles.
Dalawang ulit din silang na-nominate para sa Grammy ngunit hindi pa nagkapalad na manalo.
Naging headlines ang BTS sa mga unang bahagi ng 2022, nang bumisita sila sa White House para magdeliver ng mensahe kay President Joe Biden, sa paglaban sa anti-Asian racism.
© Agence France-Presse