Ja Morant ng Memphis Grizzlies binigyan ng NBA Most Improved Player Award
Wagi bilang NBA Most Improved Player (MIP) ang Memphis Grizzlies star point guard na si Ja Morant.
Si Morant ang unang Grizzlies player na nakatanggap ng nasabing award. Ito ang ikalawa niyang major award sa tatlong seasons, dalawang taon matapos niyang mapanalunan ang Rookie of the Year ng liga noong 2020.
Ang 22-anyos na si Morant ang unang manlalaro sa kasaysayan ng NBA na nagwagi kapwa ng Rookie of the Year at Most Improved Player.
Ayon kay Morant . . . It’s definitely big time. This award goes to me, but I feel like it’s a team effort. That pretty much just shows our work ethic, as a whole, as a team. We all push each other. We all want to be better. I thought we all have that ‘never satisfied’ mindset and that’s why you see three guys from the same team receiving votes for this award.”
Si Morant ay nagset ng career highs sa points per game (27.4), rebounds (5.7), steals (1.2) at field-goal percentage (49.3%) ngayong season. Ang scoring average niya ay 19.1 points per game noong nakaraang season habang halos katulad din nito ang kaniyang nagawa ngayong season.
Bukod kay Morant, ang Grizzlies ay may dalawang iba pang manlalaro na nakatanggap ng mga boto para sa MIP. Si Desmond Bane ay natapos sa ika-limang puwesto, habang nasa ika-10 naman si Jaren Jackson, Jr.
Pinangunahan ng tatlo ang Grizzlies patungo sa No. 2 seed sa Western Conference, at para makuha ang pangalawang pinakamahusay na rekord sa liga kasunod ng Phoenix Suns. Sa 56-26, napantayan din ng Memphis ang pinakamahusay na regular-season mark sa kasaysayan ng franchise.
Si Morant, na naging All-Star ngayong season sa unang pagkakataon, ay nagtapos na may 221 puntos mula sa panel ng 100 sportswriter at broadcaster na nagko-cover sa NBA. Nakatanggap siya ng 38 first-place votes.
Pumangalawa para sa award ang San Antonio Spurs guard na si Dejounte Murray na may 183 puntos (20 first-place votes). Pangatlo si Darius Garland ng Cleveland Cavaliers na may 178 puntos (11 first-place votes), at ang guard ng Golden State Warriors na si Jordan Poole ay tumapos sa ikaapat na may 131 puntos (15 first-place votes).