Jack Ma, isusuko na ang kontrol sa Ant Group ng China
Inanunsiyo ng kompanya na isusuko na ni Jack Ma ang kontrol sa Chinese fintech giant na Ant Group, kasunod ng “crackdown” ng Communist Party sa tech sector ng bansa na ang target ay ang bilyonaryp.
Isa sa mga pinakakilalang negosyante ng China, nagpakita ng halimbawa si Ma sa isang henerasyon ng Chinese technology moguls sa pamamagitan ng kanyang “rags-to-riches” personal tale at pagkahilig sa public showmanship..
Ngunit ang dating English teacher ay nawala sa pananaw ng publiko, mula nang sirain ng Beijing ang nakaplanong “initial public offering” sa Hong Kong noong 2020, kasunod ng matatalim niyang komento tungkol sa government regulators.
Ayon sa isang pahayag ng kaniyang kompanya, “We will be adjusting its ownership structure so that ‘no shareholder, alone or jointly with other parties, will have control’ over Ant Group.”
Sa paglalatag ng dating kumplikadong istraktura ng kumpanya, nakasaad sa anunsyo na hindi direktang kinokontrol ni Ma ang 53.46 porsiyento ng mga share ng Ant.
Batay sa impormasyon sa pahayag, hahawakan niya lamang ang 6.2 porsiyento ng voting rights kasunod ng adjustment.
Ayon sa pahayag ng Ant, “The adjustment is being implemented to further enhance the stability of our corporate structure and sustainability of our long-term development. Ten individuals including the founder, management and staff will ‘exercise their voting rights independently.’ The adjustment will not change the economic interests of any shareholders.”
Tinarget din ng Beijing ang Alibaba, ang internet titan na co-founded ni Ma na siyang nag-o-operate sa popular na Chinese shopping platforms na Taobao at Tmall, sa pamamagitan ng pagpapataw ng multang $2.75 billion dahil umano sa unfair practices.
Sa isang senyales na maaaring lumuluwag na ang “official grip,” sinabi ng mga awtoridad noong isang buwan na nakakuha ang Ant ng approval para makalikom ng 10.5 billion yuan ($1.5 billion) para sa consumer finance arm nito.
Ayon sa isang notice na inisyu noong December 30, pahihintulutan ng isang tanggapan ng China Banking and Insurance Regulatory Commission na nasa timog-kanlurang lungsod ng Chongqing ang kumpanya, na itaas ang registered capital nito sa 18.5 billion yuan mula sa 8 billion yuan.
Ang balita tungkol sa approval ay naging sanhi upang tumaas ang shares ng Alibaba ng halos siyam na porsiyento sa Hong Kong trading, habang ang iba pang tech firms ay lumakas din ang pag-asa na ang crackdown sa sektor ay maaaring humihina na.
Lumitaw sa pinakahuling earnings data ng Alibaba noong Nobyembre, na nalugi ito ng 20.6 billion yuan para sa third quarter. Ang kumpanya ay hindi naglabas ng buong bilang ng mga benta para sa Singles Day shopping bonanza nito noong 2022 sa unang pagkakataon.
Namalaging low profile si Ma simula nang mabigo ang IPO ng Ant, kung saan minsan ay nakikita siya sa mga charity event at paminsan-minsang biyahe sa ibang bansa. Ngayong linggo ay nasa Thailand siya, ayon sa ulat.
© Agence France-Presse