Jail visitation sa Bilibid Maximum Security Compound tuloy pa rin – BuCor
Tuloy pa rin ang pagbisita sa mga inmate sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.
Ito ang nilinaw ng pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) kasunod ng post sa official Facebook page ng kawanihan na suspendido ang jail visitation sa Maximum Security Camp mula June 2 hanggang June 9.
Ayon kay BuCor Deputy Director-General for Operations at NBP Superintendent Angelina Bautista, nagkaroon ng miscommunication ukol sa usapin.
Paliwanag ni Bautista, ipinapatupad na ang anim na araw na stay-in ng inmates at kanilang pamilya sa loob ng kulungan.
Sinabi ni Bautisa na mula Mayo 26 hanggang Hunyo 1 ay nagkaroon ng stay- in kaya hindi na bumisita ang mga kaanak ng mga bilanggo pagkatapos.
Dahil sa walang bumisita na pamilya ng PDLs ay inakala aniya ng iba na suspendido na ang dalaw sa piitan.
Sa hiwalay na post sa BuCor FB page, humingi ng paumanhin ang kawanihan sa naunang abiso ukol sa suspensyon ng pagdalaw sa mga preso sa Maximum Security Compound.
Moira Encina