James at Curry kabilang sa NBA stars na nakatakdang pangalanan para sa Paris Olympics
Kabilang si LeBron James at Stephen Curry sa NBA stars na nakatakda para sa Paris Olympics, kung saan ang US selectors ay bubuo ng isang 12-man roster.
Banggit ang mga hindi pinangalanang sources, sinabi ng sports website na ESPN, na ang Los Angeles Clippers forward na si Kawhi Leonard ay kasama sa 12th at final roster spot at ang USA Basketball managing director na si Grant Hill ay nakipag-usap na sa karamihan ng invitees sa nakalipas na mga araw.
Wala pang opisyal na anunsiyo ang USA Basketball, ngunit ang ESPN ay isa sa ilang outlets na nag-ulat na napagpasyahan na ang bubuo sa squad.
Ito ang magiging unang Olympic appearance ng Golden State Warriors star na si Stephen Curry, habang tatangkain naman ng 39-anyos na Los Angeles superstar na si LeBron James na mapanalunan ang ikatlo niyang Olympic gold.
Ang iba pang manlalaro na magtatangkang manalo ng ginto sa Paris ay ang Phoenix Suns star na si Kevin Durant, na umaasang makukuha ang ika-apat niyang medalya.
LeBron James #23 of the Los Angeles Lakers dunks the ball against the Brooklyn Nets at Barclays Center on March 31, 2024 in New York City. NOTE TO USER: User expressly acknowledges and agrees that, by downloading and or using this photograph, User is consenting to the terms and conditions of the Getty Images License Agreement. Mike Stobe/Getty Images/AFP (Photo by Mike Stobe / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / Getty Images via AFP)
Si Joel Embiid, ang Cameroon-born Philadelphia 76ers center na ngayong taon ay nagsabing mas pinili niyang katawanin ang Estados Unidos, ang Boston Celtics star na si Jayson Tatum at ang teammate ni James na si Anthony Davis ay napaulat na patungo rin sa Paris kasama nina Devin Booker (Phoenix Suns), Anthony Edwards (Minnesota Timberwolves), Jrue Holiday (Boston), Bam Adebayo (Miami Heat) at Tyrese Haliburton (Indiana Pacers).
Si Leonard ay may average na 23.7 points at 6.1 rebounds para sa Clippers sa regular season. Hindi siya nakapaglaro sa walong games dahil sa inflammation sa kaniyang kanang tuhod na naoperahan.
Nitong Martes ay nag-practice siya kasama ng koponan, ngunit namalaging hindi malinaw kung magiging available ba siya kapag binuksan ng Clippers ang playoffs laban sa Dallas Mavericks sa Linggo.
Ang team ng US ay apat na sunod nang nanalo ng gintong medalya mula nang matapos sila sa bronze noong 2004 Athens Games. Ngayong taon, ang magigng coach nila ay ang Golden State Warriors coach na si Steve Kerr.