James at Durant, nanguna sa early NBA All-Star voting
Ang superstar ng Los Angeles Lakers na si LeBron James, na malapit na sa nangungunang puwesto sa all-time scoring list ng NBA, ang nangunguna sa fan voting para sa All-Star Game ng liga na inanunsiyo nitong Huwebes (Biyernes, oras sa Maynila).
Labing-limang araw matapos magbukas ang botohan, si James ay nakakolekta na ng 3,168,694 mga boto.
Ang Brooklyn Nets star naman na si Kevin Durant ang top vote-getter sa Eastern Conference na may 3,118,545.
Ang mga manlalarong mangunguna sa botohan sa eastern at western conference, ang magiging captain ng dalawang All-Star teams.
Si James ay naging captain sa lahat ng limang All-Star Games na gumamit ng ganoong format, ang tinalo ng kaniyang mga team ang teams na si Durant ang captain sa Eastern outfits noong 2020 at 2021.
Ang botohan ay magpapatuloy hanggang sa Enero 21 para sa mid-season exhibition na naka-schedule para sa Pebrero 19 sa Salt Lake City.
Bagama’t ang Lakers ni James ay nahihirapan ngayong season at kasalukuyang wala sa posisyon dahil nasa ika-12 sa West, si James naman ay papalapit na sa record ng liga na pinakaaasam ng marami.
Siya ay nasa bilis upang malampasan si Kareem Abdul-Jabbar (38,387 puntos) bilang all-time leading scorer ng liga noong Pebrero, na marahil ay mangyayari bago ang All-Star Game.
Samantala, ang Milwaukee Bucks star na si Giannis Antetokounmpo ang pumapangalawa kay Durant sa Eastern Conference voting para sa mga manlalaro sa front court na may 2,998,327 boto, na sinundan ni Joel Embiid ng Philadelphia (2,226,712).
Pumangalawa naman kay James sa West ang two-time reigning NBA Most Valuable Player na si Nikola Jokic ng Denver (2,237,768 votes), habang ang teammate ni James sa Lakers na si Anthony Davis ang pumangatlo (2,063,325).
© Agence France-Presse