Japan may anime-packed film fest sa Pilipinas
Pormal nang binuksan sa linggong ito ang 2024 Japanese Film Festival, kung saan mapapanood ang 14 na Japanese films, na ang apat dito ay nostalgic animated movies na tiyak na magdadala sa mga manonood sa nakalipas.
Photo courtesy of Japanese Film Festival, Philippines FB
May temang “Eigasai” unang ipalalabas sa film fest ang First Slam Dunk, dalawang Detective Conan movies, at isang animated at live-action remake ng sikat na Voltes V.
Photo courtesy of Japanese Film Festival, Philippines FB
Gaya sa nakalipas na festivals, magpapalabas din ang Japanese Foundation ng iba’t -ibang genres mula romance hanggang coming-of-age drama at comedy.
Photo courtesy of Japanese Film Festival, Philippines FB
Ang festival ay tatakbo simula Feb. 1 hanggang March 3 sa mga sumusunod na venue:
- Shangri-la Red Carpet Cinema (Feb. 1-11);
- SM Seaside City Cebu (Feb. 16-25);
- SM City Baguio (Feb. 23 to March 3);
- SM City Iloilo (Feb. 23 to March 3);
- SM City Davao (Feb. 23 to March 3); and
- The UPFI Film Center (Feb. 2 to March 2)
Photo courtesy of Japanese Film Festival, Philippines FB
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa magiging lineup at schedule, ay puntahan ang website ng Japanese Foundation sa https://japanesefilmfestph.jfmo.org.ph/
pna