Japan nag-isyu ng alerto matapos pumutok ang isang bulkan
Nag-isyu ng alerto ang Japan ngayong araw (Biyernes), makaraang pumutok ang isang bulkan na nasa timoghilagang bahagi ng bansa.
Wala namang agad na napaulat na nasaktan matapos pumutok ang Mount Otake sa Kagoshima Prefecture.
Itinakda ng Japan Meteorological Agency (JMA) ang alert level three sa scale 5, upang higpitan ang access sa lugar sa paligid ng bulkan kasunod ng pagputok nito bandang alas dos ng madaling araw (1700 GMT Huwebes).
Ayon sa JMA, nagkaroon ng multiple initial explosions sa crater nitong Huwebes.
Kaugnay nito ay nagbabala ang ahensiya, na ang malalaking bato na ibinubuga ng bulkan ay maaaring bumagsak sa loob ng two kilometer (12 mile) radius.
Nito lamang Marso, ay pumutok din ang Mount Otake kung saan nag-isyu rin ng alert level three ang JMA.
Ang Japan na maraming aktibong bulkan ay nasa tinatawag na Pacific “Ring of Fire,” kung saan malaking bahagi ng mga paglindol at volcanic eruptions sa buong mundo ang naitala.