Japan, tinamaan ng isang 5.7 magnitude na lindol
Isang 5.7 magnitude na lindol ang tumama sa remote Japanese islands sa Pasipiko Martes ng umaga, subali’t walang tsunami warning ayon sa mga opisyal.
Ayon sa United States Geological Survey, ang underwater quake na may lalim na 43.4 kilometers ay tumama bandang ala-6:08 ng umaga (local time), malapit sa Bonin Islands, na kilala roon sa pangalang Ogasawara Islands.
Ang isla ay may 1,000 kilometro sa timog ng main urban area ng Tokyo.
Ayon sa Japan Meteorological Agency, batay sa kanilang equipment ang lindol ay may lakas na 6.3 magnitude, at wala rin anilang indikasyon na ang naturang lindol ay maaaring magdulot ng tsunami.
Sinabi ng isang lokal na opisyal na walang immediate reports ng pinsala o serious injuries, at hindi rin naputol ang serbisyo ng tubig at kuryente, nguni’t sinu-survey pa ng municipal staff ang lugar.
May ilang local residents na nag-ulat na nalaglag ang mga pinggan at baso mula sa shelves o sa lamesa sa kanilang bahay.