Japan tinamaan ng malakas na 5.9-magnitude na lindol
Isang malakas na magnitude 5.9 na lindol ang tumama sa isang lugar sa cental Japan, na tinamaan din nang mapangwasak na lindol noong Enero ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA), ngunit wala namang banta ng tsunami.
Sinabi ng Fire and Disaster Management Agency, na tatlong bahay ang gumuho ngunit wala namang napaulat na namatay o nasaktan, makaraang tumama ng mababaw na lindol sa Noto Peninsula nitong Linggo ng ala-6:31 ng umaga.
Wala ring na-detect na abnormalidad sa Kashiwazaki-Kariwa o Shika nuclear plants sa rehiyon na nasa baybayin ng Sea of Japan, ayon sa Nuclear Regulation Authority ng Japan.
Sinabi ng JMA, “The area has been seismically active for more than three years, including the magnitude 7.6 earthquake on January 1 this year. That is expected to continue for the foreseeable future, so please continue to exercise caution.”
Nagbabala rin ang ahensiya ng landslides at nagbabagsakang mga bato sa rehiyon, laluna pagkatapos umulan o kapag nagkaroon pang muli ng mga pagyanig.
Ang nangyaring lindol ngayong Lunes ay nagbunsod ng warning alarms sa mga smartphone, na sinundan ng ilang mas maliliit na lindol.
Ayon pa sa JMA, ang nangyaring lindol nitong Lunes ay may kaugnayan sa lindol na nangyari noong Enero uno, na ang sentro at seismic mechanism ay magkapareho.
Ang Japan ay isa sa “most tectonically active” countries sa buong mundo dahil sa puwesto nito sa Pacific “Ring of Fire.”
Ang arkipelago, na tahanan ng humigit-kumulang 125 milyong katao, ay nakararanas ng humigit-kumulang 1,500 lindol bawat taon at kumakatawan sa humigit-kumulang 18 porsiyento ng mga lindol sa mundo.
Matatandaan na noong New Year’s Day, hindi bababa sa 260 katao ang namatay, makaraang tumama ng malaking lindol sa peninsula, kabilang ang 30 “quake-linked” deaths, maging yaong mga direktang namatay sa sakuna.
Ang lindol noong January 1 at aftershocks nito ay nagpatumba ng mga gusali, nagdulot ng mga sunog at gumiba ng mga imprastraktura sa panahong ipinagdiriwang ng mga pamilya ang bagong taon.