Japan walang planong magpadala ng government officials sa Beijing Olympics
Walang plano ang Japan na magpadala ng government officials sa Beijing Olympics sa Pebrero.
Ito ang inihayag ng Tokyo matapos ianunsiyo ng US at iba pang mga bansa ang kanilang diplomatic boycotts dahil sa “rights concerns.”
Ayon sa top government spokesman na si Hirokazu Matsuno, ang dadalo sa Winter Olympics sa Beijing ay sina Tokyo 2020 chief Seiko Hashimoto at Japanese Olympic Committee head Yasuhiro Yamashita.
Una nang nag-anunsiyo ng kanilang diplomatic boycott angUnited States, Britain, Australia at Canada, na ang sinasabing dahilan ay ang malawakan umanong pang-aabuso ng China sa karapatan, kabilang na ang laban sa Muslim Uyghur minority sa Xinjiang.
Subali’t nagbabala ang Beijing sa apat na bansa na magbabayad sila para sa US-led campaign.
Ang Japan, na siyang nag-host sa Tokyo Olympics ngayong taon ay nasa alanganing posisyon habang ang tensiyon sa pagitan ng US at ChIna na kapwa pangunahing trade partner ng Japan ay pabago-bago. (AFP)