Japanese boxing champion na si Ryota Murata, magreretiro na
Inanunsyo ng dating world at Olympic boxing champion ng Japan na si Ryota Murata na magreretiro na siya, sa pagsasabing naubusan na siya ng “challenges” kasunod ng kaniyang pagkatalo kay Gennady Golovkin ng Kazakhtan noong isang taon.
Si Murata ang naging kauna-unahang Olympic middleweight gold medallist ng Japan sa 2012 London Games, bago naging isang professional boxer at makuha ang WBA world title sa kaparehong timbang limang taon pagkatapos.
Nagbalik siya sa global spotlight noong Abril ng nakalipas na taon nang labanan niya si Golovkin sa Saitama, hilaga ng Tokyo, kung saan nagpakita siya ng malakas na performance hanggang sa pigilan siya ng lalaking kilala sa tawag na “GGG” sa ika-siyam na round.
Sinabi ng 37-anyos sa mga mamamahayag, “I had always thought that the Golovkin fight would be the last one. After that, I couldn’t really find anything more that I wanted out of boxing.”
Si Murata ay magreretiro na may professional record na 16-3, na may 13 knock-out.
Sumikat siya sa sinilangang bansa matapos niyang talunin si Esquiva Falcao ng Brazil para mapanalunan ang gintong medalya sa London Games, kung saan siya ang kauna-unahang naging Olympic boxing champion ng Japan simula noong 1964.
Ang kababaan ng loob ay sanhi ng pagkakaroon niya ng maraming kaibigan sa loob at labas ng ring, at ibinigay sa kaniya ni Golovkin ang ring gown nito pagkatapos ng kanilang laban bilang tanda ng respeto.
Ayon pa kay Murata, “I wanto to become a good role model now that my career is over. If you’re an athlete, once your dream comes true, you lose your enthusiasm. Now I want to build a career and prove that life isn’t just about competition.”
© Agence France-Presse