Japanese government, nagkaloob ng tulong pinansiyal sa Pilipinas
Nagkaloob ng halos dalawang Bilyong Yen o halos isang (1) bilyong piso ang Japanese government sa Pilipinas.
Ito’y bilang tulong sa pagpapaganda at pagsasaayos ng mga drug rehabilitation center gayundin ang pagpapaigting ng treatment protocols sa mga drug dependent.
Nauna rito lumagda sa isang kasunduan sina Health Secretary Paulyn Jean Ubial gayundin si JICA Chief Representative Susumu Ito , sa ilalim ng consolidated rehabilitation on illegal drug users program.
Sa kasalukuyan, mayroong apatnapu’t apat (44) na accredited treatment and rehabilitation centers ang DOH para sa mga lulong sa ipinagbabawal na gamot sa bansa.