JBC, sinimulan na ang Public interview sa aplikante para sa bakanteng posisyon ng Ombudsman

Sinimulan na ng Judicial and Bar Council ang pagsala sa mga aplikante para sa mababakanteng pwesto ng Ombudsman.

Una sa humarap sa public interview ng JBC si Labor Secretary Silvestre Bello III.

Ayon kay Bello, nagpasya siyang mag-apply sa pagiging Ombudsman dahil ito na maari ang huling pagkakataon niya para tulungan si Pangulong Duterte sa kampanya nito kontra korapsyon.

Tiniyak ng kalihim na sakaling siya ang mahirang na Ombudsman ay magiging independent siya sa pagresolba sa mga kasong isasampa sa Tanggapan.

Mapapatunayan naman anya ito sa record niya bilang dating Justice Secretary.

Binanggit pa ng kalihim ang paninilbihan niya sa pamahalaan sa ilalim ng apat na pangulo.

Nagpapakita anya ito na siya ay mapagkakatiwalaan lalo nat siya ay inilalagay sa mga sensitibong pwesto sa gobyerno.

Partikular na rito ang paghirang sa kanya ni Duterte bilang pinuno ng peace panel ng gobyerno na nakikipagnegosasyon sa CPP-NDF.

Ipinagmalaki rin ni Bello na libu-libong manggagawa ang naregular sa trabaho sa panunungkulan niya bilang Labor Secretary.

Bukod kay Bello, sumalang sa pagtatanong ng JBC kaninang umaga sina Sandiganbayan Justice Efren dela Cruz , dating abogado ni Pangulong Duterte na si Edna Herrera-Batacan at abogadong si Rey Nathaniel Ifurung.

 

Ulat ni Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *